Miyerkules, Pebrero 8, 2012

*bata*


 Ganun nga siguro ang nangyari noong makasayaw ko ang isang lalaking napagkamalan kong isang freshman student sa parehong institute na aming kinabibilangan. Haha. Naalala ko tuloy, ang liit nya kasi at hindi mo aakalain na 4th year ece student na sya. Napahiya ako ng madami dun ha? Senior ko pala sya. Haha. Yung tipong ayaw ko na makipagsayaw dahil sa napahiya na ako. Pero hindi ganun ang nangyari, hindi nya ko hinayaan umupo sa mga oras na yun. Aba! Ewan! isang kanta, dalawang kanta, nagtatlong kanta na, hindi pa din talaga, hanggang sa nag-apat na kanta. Ayun! Ok na! Nakilala ko na sya. ilo daw pangalan nya, classmate ni kuya jem (4ece din syempre na kaclose namin) At yang lalaking yan ang sabjek sa sulatin kong ito.


 After that night actually dawn lang sya, (February 19, 2011) nagsimula ang pagiging close namin. Tikitext ng tikitext. May tawag pa yan. Hahaha. Ako ang nagbigay ng number ko sa kanya, dahil sa magsosorry ako sa nasabi ko, masyado kasi ko madaldal, walang piit. Haha. Biruin mo, hindi nya memorize number nya. wiwitz!


 Yun na.. Haha .. Maraming nangyari hanggang sa naging kumplikado na ang tingin ko sa bagay-bagay. Hmmmmmmmm! Ahmmmmmm.. Shocks! I'm in love! I'm in love with the person whom i danced with. Nagtaka na nga rin ako ee, kasi parang ako na yung lalaki sa aming dalawa. May nagagawa kami na sa tingin namin ay ok lang pero sa tingin ng iba ay mali.. Maling-mali dahil sa walang namamagitan sa aming dalawa. We're just friends! FRIENDS ONLY! 


Ilang beses na din akong nagpaalam sa kanya, ilang beses ng nagsabi na hindi na ko magpaparamdam pero hindi yun nangyayari. BAKIT ? BAKIT DRE? hahaha. Hindi ko kasi  kaya. Hindi ko kasi kaya na hindi sya kamustahin, na hindi ko malaman kung ok lang ba sya? haha .. Ang oa ee nuh? Parang girlfriend. weeeeee! Maniwala ka sa hindi, ang dami ng nangyari. Nagpasko na, nagbagong-taon. Ano na nga ba? Ano ako sa kanya? Dahil kung ako yung tatanungin, sige, itanong mo lang. Hindi. Hindi ako yung pinag-uusapan, babae ako dre! Pero mahal ko na sya. Mahal na mahal. Nagtapat na naman sya ee. Haha. Kinikilig ako sa paggawa ko nito aa! HAHA .. XDD! May hinihintay lang ako sa Lord. Binigay na nya. 


 JANUARY 19, 2012.. Oh? Anong meron sa date na yan? Haha.. Would you mind? Nyahaha .. Yan ang date kung kailan kami na. KAMI NA! Oo, kami na nga?!? ehehe.. 


 I thank God for everything :)))))) Hinayaan nyang makasayaw ko ang BATA at umabot sa ganito.


 Hindi ko na makukwento ng mahaba at detalyado, siguro tsaka na lang. Gusto ko lang mabasa nya to at msabing i'm blessed to have MICHAEL ANGELO AQUINO in my life.



4 (na) komento:

  1. wiii. ^_^ dpat sinama mo yung part 2 ng party eee

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe .. tsaka na lang .. hahah .. baka bukas na lang yun .. nyahahahah ..

      Burahin
  2. ako ata yung lalaki sinasabi sa blog na to. salamat po ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hmmm .. ikaw ba si Michael Angelo Aquino ? Kung ikaw yun , ee di ikaw yung tinutukoy ko ^_^ mag-ingat ka .. hahahahahah

      Burahin