Sabado, Disyembre 24, 2011

the mission :))

 December 25 na ! PASKO na mga tsong !

 Merry Christmas sa lahat .. God bless you ..

Sabado, Disyembre 10, 2011

still what?!?

 Moment to remember turns to A kid named dhang ..
 HAHA :))) bata pa tayo mga tsong :) kaya mag-ingat ^_^ hmmm .. ako'y labing walong taon na dito sa mundo pero may mga flaws pa din, sobrang dami in fact .. Alam ko naman na walang perpektong tao tanging Diyos lang. Lam mo yan ! (y)

Careless kasi akong tao, minsan lang maging careful. bat ganun? T.T .. Enebe! Bakit nga ba ko nagtatanong sa sarili ko? Masasagot ko din ba? May mga magagaling pagdating sa pag-aadvice pero minsan di na din kailangan kasi ang paghingi nga naman ng advice ee hindi para gawin mo iyon kundi humahanap ka lang ng ibang ideya kung saan madedepensa mo ang side mo (parang argument lang ang dating na gusto mo) tsk.tsk.  Madami pang kahilingan na naghihintay ng katugunan ang batang nagtataype ng mga binabasa mo pero ganunpaman masaya at kuntento na ko sa buhay ko.

 *oh pasingit na din ng koment ko sa isang blog dyan ng bata, wag kang magpasalamat sa akin. Hindi kita tinulungan. Tinulungan mo ang sarili mo. HAHAHA

 so much for this.. good luck! <3

If you stand for a reason then ..

You have the freedom to choose, but you can't choose the consequences of what you chose.

Hindi ko alam kung bakit ito ang sumagi sa isipan ko ngayong oras na to. Basta ang alam ko gusto ko magtype ng tungkol sa naisip kong ito. Kalokohan kaya ito? Malay ko! Hindi ko din alam. Teka, maghahagilap ako....

Nasaan na ba ako? Ang pagpili.. Tama! Paano nga ba natin pinipili ang mga bagay-bagay? Ang mga desisyon na ginagawa natin? Ang hindi natin paggawa ng ibang bagay at ang paggawa naman ng ilan? Kung paggawa lang naman ng desisyon eh masasabi kong hindi nga talaga madali. Lahat ng aspekto dapat mong tignan. Hindi lang ang isa o dalawa kundi lahat.

Pero kung ako magdedesisyon, mas nakakalamang ang damdamin ng iba kaysa sa sarili kong kasiyahan. Yun tipo na iisipin ko ang kabutihan nila pero sa kabila ng yun, may mga komento ka pang matatanggap at huhusga sa kung ano ang ginawa mo para sa kanila man o hindi. Mahirap! Ang hirap! Akala naman kasi ng ilan na basta basta lang ang pagdedesisyon. Pero kung usapang date tayo (yung tipo na dalawa lang kayong mamamasyal at kakain sa labas) i suggest na dapat talagang magmula sa'yo ang ibang desisyon. Katulad na lamang sa pagkain, ikaw ang kakain kaya wag sya ang pagdesisyunin ukol dito, paano kung ang binili nya ee hindi mo pala gusto? Sino ang lalabas na masama? Sya diba? Kaya wag ganun! [May bigla akong naalala. Hahaha] Okay! Balik tayo.

Sa mga nakalipas na araw, marami akong napagtanto tungkol sa buhay buhay. Malaking pagbabago ang maidudulot ng lahat ng yun sa buhay ko at sa ibang tao. Ewan ko nga kung nasimulan ko na ito, pero mukang oo sa tingin ko.. Haha!

We have the liberty to choose (teka, pinaltan ko lang ng word aa! hmp!)nasa ating mga kamay ang pagdedesisyon hindi sa ibang tao mga repa. Wag kang gagaya saken minsan ^_^ Kaya wala ka ding dapat sisihin sa kalalabasan ng mga desisyon mo sa buhay kundi ang sarili mo. Ang sarili mo lang at wala ng iba. Naalala ko pa yung madalas sabihin ng isang bolew kong bespren, kapag nagkakaipitan na at nagpapayo na sa mga maling nagawa ng mga iba pang kaibigan ee, sasabihin na nya ang peyborit nyang linya, "You must face the consequences, ginawa nyo yan kaya kailangan nyong panindigan" natutuwa ako dito. Isa din kasi ako sa nagsasabi ng ganyan ee :)) at nasabihan na ng minsan.

OoOoOoOps! May karugtong pa! Ee ano pa nga ba? Hmmm.......... Stand for what you chose! get it?

God bless po :)) I miss it ..

Martes, Hunyo 21, 2011

A Psalm of Life
                                 -->Henry Wadsworth Longfellow<--

Tell me not in mournful numbers,
Life is but an empty dream!
For the soul is dead that slumbers,
And things are not what they seem.

Life is real! Life is earnest!
And the grave is not its goal;
Dust thou are, to dust thou returnest,
Was not spoken of the soul.

Not enjoyment, and not sorrow,
Is our destined end or way;
But to act, that each tomorrow
Find us farther than today.

Art is long, and Time is fleeting,
And our hearts, though stout and brave,
Still, like muffled drums, are beating
Funeral marches to the grave.

In the world's broad field of battle,
In the bivouac of Life,
Be not like dumb, driven cattle!
Be a hero in the strife!

Trust no Future, howe'er pleasant!
Let the dead Past bury its dead!
Act, - act in the living Present!
Heart within, and God o'erhead!

Lives of great men all remind us
We can make our lives sublime,
And, departing, leave behind us
Footprints on the sand of time;

Footprints, that perhaps another,
Sailing o'er life's solenm main,
A forlorn and shipwrecked brother,
Seeing, shall take heart again.

Let us then be up and doing,
With a heart for any fate;
Still achieving, still pursuing,
Learn to labor and to wait. 

Hmm .. I've read it again ! One of my favorite  poem so far. Hmm .. wala lang .. just want to share it with you ^____^ .. Super nice !!!

Linggo, Hunyo 12, 2011

afflictions and ???

 Why are we surprised when trials come ? When disappointments mount ? When unfortunate events snowball ? Why are we caught off guard when health fails ? When children stray ? And when friends betray ?


 just asking :))) unfinished post :]

Lunes, Hunyo 6, 2011

act natural :))

 that's my hand written .. (panget ba ?) :)) i have written that during the first day of classes last year .. (it's obvious , i think ?) :)) Nun first day kasi .. tiring day talaga .. err ! sobrang init pa ! i've never expected :)) hindi naging masaya .. 






Anyways, we're moving forward .. ahe .. it's the first day of school as second year in college :)) waaa .. syempre , iba ang 2nd year kasi may familiarity na at natural na ang pagkilos ko .. Wala na ang mahiyain at tahimik na dhang (actually .. ganun naman talaga ko .. wahehehe) 


 Syempre , tulad last year , civilian pa din ako .. Pero this time , hindi na 1month civilian , baka mapagalitan na ko at masabihan na ang tigas ng mukha ko .. hahahah .. awtz much aman yun .. i know my limitations now ..


 Masaya ang first day ko .. I , with dre , siz , tin , sarah , jerome , t'eyra , t'rio , geremy , sedz , christian . mark , webster , si Eng'r villacruel pa ! hahaha .. (isa-isahin daw ba?) iba talaga ! kahit sobrang init , nagawa namin mag-enjoy ..  wala kasing ginawa , and the point here is .. we've spent the whole day together :)) 


 Hindi mawawala ang pang-ookray ng mga classmates ko pati na ang pambabara .. hahaha ..


 Edz says: "Ang daming bagong mukha .. at marami ring mukhang luma :))"

  Tapos , habang , nag-oorient ang isang Professor .. nabanggit ang circuits and different kinds of it .. (Electronics na nga!!!) hahaha .. wula na syang masabi at dahil dun nasabi nyang bigla "And , you will know ................ each other" . What the heck ! hahahaha .. Sa maraming dahilan , tawa ako ng tawa sa oras na yun .. [karagdagan pa , nasira ang bag ko kanina , nasabit sa barbed wire .. sayang ! taz talo pa ko sa pustahan sa laban ng basketball] at akala nila na ang pagtawa ko daw ang resulta ng mga yun .. Nagkakamali sila ! hahahahha ..


 Dahil first day , gusto ko masaya talaga .. ^_^ .. Masaya na ako sa mga simpleng bagay .. Isa sa ikinasasaya ay ang panlilibre (ndii aman mahal ee .. sakto lan ^^) .. Hindi ko alam kung bakit , pero wula ako enough allowance to treat them all , kaya konti lang nalibre ko ^^ .. Basta , ewan ko ! (pero may tumanggi kanina sa alok ko , si dre  , nakakadami na daw sya kaya ayaw nya .. ako yung nahiya , pero may limitasyon nga kasi dhang) aa basta ! 


 Hmmm .. Marami pang taon ang dadaan , hindi ko naman minamadali yun . Ang mahalaga ay natututo sa mga bagay-bagay ukol sa karamihan , isa na dito ang kamalian na handa kang itama kahit wala kang matirang pride na mali naman talaga kung paiiralin .. pati na rin ang pagiging humble at all times ? eheheh .. at hindi lang sa pag-aaral ng mga asignatura na kinakailangan lang para masabing may napatunayan at may titulo na .. 


 Nang pagpasok ko sa kolehiyo , madami nag-iba saken ^_^ ehehehe .. tsaka na ang evaluation .. :)) sige .. have to end this :)) simula pa lan to :))


 GOD BLESS US ALL IN OUR STUDIES ^____^




Sabado, Hunyo 4, 2011

it's almost there ..

 PRAYER lifts our hearts above the battles of life and gives us a glimpse of God's resources which spells "ViCTORY"


 Habang nasa San Juan Gym , Taytay , Rizal , ang mga TCCC players kanina (mga youth yan syempre at may mga young professionals), ang aming mga elders(ga-youth daw?) ay nag-iintercede naman sa Jala-jala .. 


 Ayos ang semis .. panalo ang teresa , at dahil sa panalong yun diretso sila sa finals .. eheheh .. ako naman , tinawagan ko agad ang tita ko na isa sa mga intercessors .. narinig ko ang sigaw ni nanay deling .. napasigaw na sobrang saya (apo kasi nya ang dalawang player ^^ na ang galing nga naman talaga) .. Nga pala , intercession is praying for others .. (di ko na palalawakin baka malito pa , ehehe) 


 Iba pala talaga ang feeling kapag naglalaro at iba din naman ang feeling ng mga nanonood lang ^^ .. Intensified kumbaga mga dre :))

 Meron pa sa players namen .. sobra galing ! pero andami girlfriend .. crush ko pa naman sya .. hahaha .. basta .. sila dalawa .. 


 Basta .. ahahah ! iba ang tagumpay kapag may Christ sa buhay ^_^ ..coz we're not competing for our own selves .. our motive is to win that game to glorify our Lord Almighty ^_^


 -->Dallas Mavericks din .. bwahahaha<--


 [tulog na ko .. tampo agad aba ! err !!!]

Biyernes, Hunyo 3, 2011

enjoyable day :)))

dhang: wag ka ng magdumi sa damit mo .. kapag ikaw nagdumi pa , anong gagawin ko sa'yo ha ?
tsen: eh di magbibihis ulit !!!
_____________________________________________
dhang: ay naku mayumi ! itigil nyo na ang pagbabike ! (inis) isusumbong na kita sa mama mo ee !!!
mayumi: ate dhang .. ^__^  love mo ko neh ?
_____________________________________________

aia: ^___^
dhang: pagagalitan ko sana pero nawala na agad dahil sa ngiti nya .. eheheh




 haha .. nakakatuwa ang araw na to , akala ko mababagot ako dahil di kami natuloy sa market market nila mama kanina dahil nagkaroon ang mga kapatid ko ng kanya-kanyang lakad .. Ako at si mama kasama ang mga pamangkin ko ang tanging naiwan sa bahay namin .. Sa madali't sabi , ako ay naging tagapag-alaga ng mga pamangkin kong makukulit pero cute ^^ ..


 Naglaro (ako ata pinaglaruan nila) , nang-uto (di ko alam ang isusuhol kapag umiyak na ang isa sa kanila) , nagpaiyak (pero ako din ang umaamo) yan ang gawain ko maghapon .. Hindi ko maiwasan mainis sa ginagawa nila .. ang lilikot , ang kukulit , mga pilosopo .. Ibang-iba sila sa pagkabata ko ^^


Ang mga nasa taas na pag-uusap ay tumimo saken hanggang ngayon .. Imbis na magagalit at mapagsasabihan ko sila , aba !!! natatawa at natutuwa ako sa mga nirerespond nila saken .. Ang lalambing ng pamangkin ko .. (si tsen pala , hindi ko pamangkin .. kapatid ko ?! tsaka ko na lang sabihin :] ) sinabi ko lahat yan kay mama at sasabihin ko pa lang kay papa mamaya .. ehehehe


 Masaya ako ! basta masaya ang araw na to .. nag-enjoy ako kahit may ilang disappointments .. hehe .. Lahat ng para sa kanila , akin din .. kung ano ang kainin nila , kinakain ko din kanina .. hahah .. at may advantage saken , kasi wala silang kinain na junks .. eheheh .. good for me este good for them ^^


 I am enjoying with their company :))) aylab them so much ^^ ..



Martes, Mayo 24, 2011

Ano ang LOVE ? ito yung bagay na WALA sa akin .. na nahanap ko kay JESUS CHRIST :))


Last May 24, 2005 , nagkaroon ng isang camp sa ina-attendan kong church .. hmm .. "Unlimited RE" ang theme (unlimited revival yung meaning). Excited ako , natural kasi first time kong sumama sa ganun . wala sana akong balak sumama kasi para sa mga teens daw yun (12 years old pa lang ako nun ee) pero syempre sumama na ko kasi sinabi din ng mga elders ee :))


 Una kong beses mafeel ang presence ni God .. Iba yung feeling .. ang sarap ng feeling kasi after the deliverance , my mind , my heart and my soul ay nabago , as in para kong nakakawala sa posas at yung mga kamalian na ginagawa ng isang bata ee naramdaman ko ang pagbabago .. (Sabihin nating , yung itim na puso ay nalinis at pumulang muli) .. Hindi lang saya kundi kaligayahan .. Hindi lang panandalian kundi permanente na sa aking buhay .. Hindi lang biro kundi katotohanan ..


"For God so loved the world that He gave His only begotten Son , that whoever believes in Him shall not perish but have everlasting life" -->John 3:16


I received Jesus Christ as my personal Savior .. Healer when I am weak .. Lifter when I am down .. Comforter when I am sad .. He's my life .. At nalaman ko kung ano ang purpose ko dito sa mundo kung bakit nandito ako .. Not for my own happiness but to give glory to the Lord :)) at nalaman ko din ang  two greatest commandments that we should obey .. 
 "Thou shalt love the Lord thy God with thy whole heart, and with thy whole soul, and with thy whole mind, and with thy whole strength; Thou shalt love thy neighbor as thyself". Love , because God is Love :))

Ngayong araw na ito , 6 years na akong nakakakilala sa Lord :)) Masayang-masaya ako .. Kahit hindi natuloy ang totoong planong pag-alis namen ng isang kaibigan , ee higit dun yung natamo kong "joy" for this day .. Hindi ko man kasama ang nanay ko sa pananampalataya ee kasama ko naman ang mga kapatid ko sa pananampalataya .. Actually , walang espesyal sa ginawa naming pagkukwentuhan sa Amang Hall playground sa school at ang pagkain sa Jabi (wula na kasing bago dun) ang espesyal dun ee ang "realization sa lahat , naming pat" Walang kasawaang pag-uusap tungkol sa grace of God , How great He is , at sa mga kaibigang mahal na mahal namen kahit galit sa amin .. Yun yung love na nanggagaling sa Lord .. We love them by the Love of the Lord =] hahaha .. nakakatuwa talaga kasi napakaraming binago sa akin ni Lord .. Hindi ang tao ang nagpapabago sa kapwa tao kundi ang Diyos lang :) maniwala ka ! He changed me :))

Happy six years :)) haha .. haha .. haha .. GOD BLESS US ALL !!! I love you by the love of God :)))


Martes, Mayo 10, 2011

sya ! hindi ako =)

ibang-iba talaga ang pananaw ko sa taong ito
hindi ko inakala na mayroon palang ganito
sa wari ko ba'y wala sa mukha nya ang pagiging seryoso
na puro biro at kalokohan sa utak nya'y tumatakbo .. (^^,)


noong unang masiulayan at makausap sya ng biglaan 
bahagyang natakot ang bata na walang kamalay-malay
ngunit sadya syang makulit at totoong tunay
kaya't ngiti sa aking labi'y di pa rin matanggal .. (^^,)


lumipas ang madaming oras at mga mumunting araw
unti-unti kong nakikilala ang taong may ibang pananaw
hindi ko inakala na mapapalapit ako ng sobra
'pagkat pag kausap sy'y pakiramdam ko'y iba .. (^^,)


turing nya sa sarili nya'y matured enough
pero di ko alam kung totoo to say that he is so
hindi sya perpekto pero sa ugali nya'y thumbs-up ako
dahil sa sobrang gentle ng taong ito (^^,)


masungit, suplado, topakin at pasaway tong todo
nalalaman nya daw ang bagay-bagay pero matigas pa din ang ulo
pero idol ko ang taong ito, sya si ..
MiCHAEL ANGELO C. AQUiNO (^^,)

Huwebes, Mayo 5, 2011

It really makes a difference :)

 Hindi pala madali ang panibagong simula .. Mahirap ! Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust .. Sabi nila "ngayon ang simula ng pagbabago" malamang sa malamang na ngayon nga at hindi naman pwede yung kahapong nagawa mo .. Ikaw ang lilikha ng ikababago ng yong mga gawa .. Ikaw ang magpapasya kung paano mo mababago ang nakasanayan na .. Nasa sa'yo kung bakit , at paano ka magbabago .. (depende na rin sa kung anong klaseng pagbabago ang gagawin mo)

 Ibang-iba talaga ang dati sa ngayon .. Isang taon at limang buwan ang nakalipas , hindi ko inakalang apektado pa din sya .. (kalungkot aman!) .. halata sa mga boses nya na may "something" (hindi ko mawari kung galit, inis, o malaking tampo). Nag-iba na nga ang lahat sa kanya , hindi ko na ata sya kilala .. :( .. Pero ok lang , hindi ko kasalanan .. (walang kokontra ! ako lang ang kakampi ko ee ^^) .. Hindi ko dapat sisihin ang sarili ko .. tama ? tama ? absolutely right !

 Hindi ako nagbago, wula akong pinagbago at hinding hindi ako magbabago .. Hindi ko ito pangako , ito'y katotohanan lamang na ikaw ang nagbago at hindi ako ! :)

 Naghahanap lang siguro ako ng lambing .. hehehehe ! yun yung katotohanan dito ee .. ahahahah !

Sabado, Abril 16, 2011

wiping the tears away

NOTE: ito ay unang blog na ipopost ko .. malamang sa malamang ee madami pa gasgas ! ehehehe ..

Ngayon ko lamang nadama ang grabeng pagkamiss sa aking tatay , bagama't natural na lang sa amin na hindi sya nakikita. Ngunit isang pangyayari ang naganap kagabi na hindi ko inaasahan.

Habang may kausap ako sa cellphone, narinig ng aking kausap ang pagsigaw ng isang babae na hindi ko inakalang kapatid ko pala yun. At sa bilis ng kaba sa aking dibdib , hindi ko alam ang gagawin dahil ang kasagutan na nya ay aking mabait na tito at pinsan kong lasinggero. Nakialam ang nanay ko, kaya hiniling nya sa kanila na h'wag ng pansiin ang sinasabi ng magaling kong kapatid. Samakatuwid, bumaba ako sa hagdan at wari bang nagtatanong sa kanila na hindi naman nila ako pinapakinggan kung ano ang nangyayare. Nagpatuloy ang eksena, kung anu-ano na ang sinasabi ng kapatid ko sa aming tiyuhin at pinsan ko (grabe ! napabilib talaga ako sa katapangan nya). Ay ! hindi na ako nagtaka kung bakit nagkaroon ng ganung taping sa amin , at iyon ay dulot lahat ng alak na ininom nila (wala naman talagang magandang idudulot ang pag-iinom .. pupusta ako sa kung  sino ang makakapasabi kung anong magandang dulot nito ?)

Napansin kong tumataas na ang boses ng nanay at kapatid ko , nakialanm na ako .. Kahit sobra ang kaba ko noong mga oras na  yun , nagsalita na ako sa kanilang dalawa . Ayaw ko ng may gulo na katulad nito .. "Pwede bang ipagpabukas na lang natin ito? Wag kayong sumigaw dahil madami ng tulog. Hindi makakabuti sa inyo kung parehas nyong papatulan ang isa't isa. Wala ding mangyayari kung ilabas mo ang hinanakit mo sa kanila." at wala talagang naririnig ang aking kapatid .. At napaisip ako dun, parehas silang tumahimik at Nakita ko sa aking kapatid na para syang isang bata na iniwan ni papa ng hindi man lang nagpapaalam . Nasa sulok sa may hagdan at tinatawagan ang aming tatay na sinasambit ay "papa, umuwi ka na" at paulit-ulit nya sinasabi na parang bata na gusto ko bigyan ng lollipop para tumigil na  at napaiyak ako dun ! mahirap pala talaga na wala si papa sa bahay .. Sobrang hirap ! si mama lang ang nagdidisiplina sa aming magkakapatid na sobra sa tigas ng ulo.

Umabot ng dalawang oras ang paglalabas ni osang ng kanyang hinanakit sa tito at pinsan ko . Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at kung ano yun ?! at hindi ko na aalamin pa .. Kinausap ko si mama pagkataos makatulog ni osang, humingi ako ng kapatawaran para sa aming lahat ! Mapa kay ate, kay liza , kay osang at sakin.Hiningi ko ulit sa kanya ang pagtitiwala nya sa aming lahat (hindi lang sa amin ni bunso) para sa ikabubuti at ikakaayos ng sistema sa bahay. At doon ako napanatag sa "oo" na sagot nya. At nasabi ko sa sarili ko na "mahal ko ang nanay at tatay" ^^

Nagbasa ako ng Bible na ang mensahe nito ay tungko sa "hardship" at nakakatuwa dahil nun nagdevotion naman ako ee connect dun sa nanyare ang message nito .. pinamagatan ko itong "wiping the tears way" .. eheheheh .. Magdamag walang tulog ... Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumakain simula kagabi ...

Salamat sa mga classmates ko na nakaramdam at sinamahan ako maghapon hanggang gabi .. Christine, Donica, Cathy .. Nagulat ako dun ! hahahah ..

and i do realize that we don't need to worry about the things around us .. We should just ask God for wisdom and strength to face those trials ^^ and He is always there ! eheheeh ..

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa .. bye for now ^^

Face the Music ^^

 ^^ Hindi ko inisip o pinlano ang mga bagay bagay na nanyayare sa buhay ko . Ito ay pinagpapasalamat ko pa sa kabila ng lahat . maganda man o masama ! maging masaya o malungkot ! At ito naman talaga ang dapat . Hindi tayo dapat mamili sa kung ano ang gusto nating mangyare natin sa buhay kahit isang araw man lang . Ang lahat ay dumadating at nagaganap pagkat ito ang ating "destiny" . (ngunit marami akong nakilala at mga kaibigan na hindi naniniwala sa destiny) . At naniniwala rin ako na ang lahat ay nagaganap ayon sa kalooban ng Lord ^^ ..

^^Bilang isang kabataan, isang mag-aaral, isang tamad na anak, isang pasaway na bata, isang nagpahalaga nagpapahalaga at magpapahalaga sa damdamin ng iba, isang nagmahal at minahal, isang pa-easy easy sa buhay at isang taong maraming kamaliang ginawa sa buhay .. Lahat ng kinahinatnan at kahihinatnan ng mga desisyon ko sa buhay ay nakatadhana na talaga .. Oooops .. wag ka ng kumontra ^^ 

^^When I was in third year , I knew from the start what i've been doing. that i may hurt the feelings of my friend  and still , i've done wrong. hahaha ! Pero i have no regrets about that ..  hmmm .. "nagparaya ako" in a sense that it is the only way to save our friendship that i'm afraid to lose .. And i gave up ! haha .. I broke up with the guy i've used to love ?! (ndii ako cgurado ee o baka infatuation lan ata).. , 2 nights before his birthday .. ^^ .. (and that's the first relationship i had) Nakabuti pa nga ito .. hahaha .. di nagtagal , naging sila ng kaibigan ko pero walang halong kaplastikan na masaya talaga ako para sa kanilang dalawa .. Isa yan sa mga tine-treasure kong memories .. Dyan ako unang natuto sa mga bagay-bagay na nagiging desisyon basta basta ng bawat tao na hindi nila alam kung makakabuti o makakasama ito sa karamihan , at kung may mga maling desisyon pa akong nagawa , I must say .. "face the music" !

^^Hindi ko alam kung bakit o paano basta nadama ko na lan ito . Hindi ko masabing "matured" ako dahil di naman sa tingin ko .. Ang malinaw lang sa akin ay handa kong harapin ang mga kahihinatnan pagdating sa iba't-ibang aspeto sa buhay ko .. 

Marami pa yan pero yan muna ang ikukwento ko dahil yan ang unang pumasok sa isipan ko ! nyahahahaha ^^ .. anyways, *no regrets yet i'm thankful* ihihihihi ^^

Bye for now ! God bless :)

(03-10-2011)

Martes, Abril 12, 2011

BUSY :)

 In my seventeen years of existence here on Earth, i'd never thought that I would be like this as much .. Yeah! I’m too much disappointed in some aspect that happened yesterday and even today. I knew at first that I have no right to be like this but honestly speaking .. awtz ! I've tried to hide it (the feelings I've never think to be so) , to cover this, and to pretend that it is still okay. 


  To define what is disappointment .. it is the state of being disappointed (failure of one's hope or expectations) .. For not knowing their point of views. Even if they intended to do it or not. [Pero tanggap ko nga na "Mali ako"]


 I've got to wake up early this morning because of some reason [i have my piano lesson and I have to greet my friend in accordance with his birthday]. And to make my story short .. Someone ....... does really disappoints me until right now to the extent that I don't know the reason why. Funny, isn't it?  ^^


 Nonetheless, I have to be happy coz I know it is not good to think and to feel as well.  


 I am better now .. :) I can say that I am still lucky and blessed to have them. ^^

Sabado, Marso 12, 2011

A magic moment I remember
I raised my eyes and you were there
A fleeting vision the quintessence
Of all that's beautiful and rare

I pray to mute despair and anguish
To vain pursuits the world esteems
Long and I near your soothing accents
Long did your features haunt my dreams

Time passed - a rebel storm-blast scattered
The reveries that once were mine
And i forgot your soothing accents
Your features gracefully divine

In dark days of enforced retirement
I gazed upon grey skies above
With no ideals to inspire me
No one to cry for, Live for, Love!

Then came a moment of renaissance
I looked up - you again are there
A fleeting vision, the quintessence
Of all that's beautiful and rare !