Huwebes, Mayo 5, 2011

It really makes a difference :)

 Hindi pala madali ang panibagong simula .. Mahirap ! Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust .. Sabi nila "ngayon ang simula ng pagbabago" malamang sa malamang na ngayon nga at hindi naman pwede yung kahapong nagawa mo .. Ikaw ang lilikha ng ikababago ng yong mga gawa .. Ikaw ang magpapasya kung paano mo mababago ang nakasanayan na .. Nasa sa'yo kung bakit , at paano ka magbabago .. (depende na rin sa kung anong klaseng pagbabago ang gagawin mo)

 Ibang-iba talaga ang dati sa ngayon .. Isang taon at limang buwan ang nakalipas , hindi ko inakalang apektado pa din sya .. (kalungkot aman!) .. halata sa mga boses nya na may "something" (hindi ko mawari kung galit, inis, o malaking tampo). Nag-iba na nga ang lahat sa kanya , hindi ko na ata sya kilala .. :( .. Pero ok lang , hindi ko kasalanan .. (walang kokontra ! ako lang ang kakampi ko ee ^^) .. Hindi ko dapat sisihin ang sarili ko .. tama ? tama ? absolutely right !

 Hindi ako nagbago, wula akong pinagbago at hinding hindi ako magbabago .. Hindi ko ito pangako , ito'y katotohanan lamang na ikaw ang nagbago at hindi ako ! :)

 Naghahanap lang siguro ako ng lambing .. hehehehe ! yun yung katotohanan dito ee .. ahahahah !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento