Sabado, Disyembre 24, 2011

the mission :))

 December 25 na ! PASKO na mga tsong !

 Merry Christmas sa lahat .. God bless you ..

Sabado, Disyembre 10, 2011

still what?!?

 Moment to remember turns to A kid named dhang ..
 HAHA :))) bata pa tayo mga tsong :) kaya mag-ingat ^_^ hmmm .. ako'y labing walong taon na dito sa mundo pero may mga flaws pa din, sobrang dami in fact .. Alam ko naman na walang perpektong tao tanging Diyos lang. Lam mo yan ! (y)

Careless kasi akong tao, minsan lang maging careful. bat ganun? T.T .. Enebe! Bakit nga ba ko nagtatanong sa sarili ko? Masasagot ko din ba? May mga magagaling pagdating sa pag-aadvice pero minsan di na din kailangan kasi ang paghingi nga naman ng advice ee hindi para gawin mo iyon kundi humahanap ka lang ng ibang ideya kung saan madedepensa mo ang side mo (parang argument lang ang dating na gusto mo) tsk.tsk.  Madami pang kahilingan na naghihintay ng katugunan ang batang nagtataype ng mga binabasa mo pero ganunpaman masaya at kuntento na ko sa buhay ko.

 *oh pasingit na din ng koment ko sa isang blog dyan ng bata, wag kang magpasalamat sa akin. Hindi kita tinulungan. Tinulungan mo ang sarili mo. HAHAHA

 so much for this.. good luck! <3

If you stand for a reason then ..

You have the freedom to choose, but you can't choose the consequences of what you chose.

Hindi ko alam kung bakit ito ang sumagi sa isipan ko ngayong oras na to. Basta ang alam ko gusto ko magtype ng tungkol sa naisip kong ito. Kalokohan kaya ito? Malay ko! Hindi ko din alam. Teka, maghahagilap ako....

Nasaan na ba ako? Ang pagpili.. Tama! Paano nga ba natin pinipili ang mga bagay-bagay? Ang mga desisyon na ginagawa natin? Ang hindi natin paggawa ng ibang bagay at ang paggawa naman ng ilan? Kung paggawa lang naman ng desisyon eh masasabi kong hindi nga talaga madali. Lahat ng aspekto dapat mong tignan. Hindi lang ang isa o dalawa kundi lahat.

Pero kung ako magdedesisyon, mas nakakalamang ang damdamin ng iba kaysa sa sarili kong kasiyahan. Yun tipo na iisipin ko ang kabutihan nila pero sa kabila ng yun, may mga komento ka pang matatanggap at huhusga sa kung ano ang ginawa mo para sa kanila man o hindi. Mahirap! Ang hirap! Akala naman kasi ng ilan na basta basta lang ang pagdedesisyon. Pero kung usapang date tayo (yung tipo na dalawa lang kayong mamamasyal at kakain sa labas) i suggest na dapat talagang magmula sa'yo ang ibang desisyon. Katulad na lamang sa pagkain, ikaw ang kakain kaya wag sya ang pagdesisyunin ukol dito, paano kung ang binili nya ee hindi mo pala gusto? Sino ang lalabas na masama? Sya diba? Kaya wag ganun! [May bigla akong naalala. Hahaha] Okay! Balik tayo.

Sa mga nakalipas na araw, marami akong napagtanto tungkol sa buhay buhay. Malaking pagbabago ang maidudulot ng lahat ng yun sa buhay ko at sa ibang tao. Ewan ko nga kung nasimulan ko na ito, pero mukang oo sa tingin ko.. Haha!

We have the liberty to choose (teka, pinaltan ko lang ng word aa! hmp!)nasa ating mga kamay ang pagdedesisyon hindi sa ibang tao mga repa. Wag kang gagaya saken minsan ^_^ Kaya wala ka ding dapat sisihin sa kalalabasan ng mga desisyon mo sa buhay kundi ang sarili mo. Ang sarili mo lang at wala ng iba. Naalala ko pa yung madalas sabihin ng isang bolew kong bespren, kapag nagkakaipitan na at nagpapayo na sa mga maling nagawa ng mga iba pang kaibigan ee, sasabihin na nya ang peyborit nyang linya, "You must face the consequences, ginawa nyo yan kaya kailangan nyong panindigan" natutuwa ako dito. Isa din kasi ako sa nagsasabi ng ganyan ee :)) at nasabihan na ng minsan.

OoOoOoOps! May karugtong pa! Ee ano pa nga ba? Hmmm.......... Stand for what you chose! get it?

God bless po :)) I miss it ..