Martes, Mayo 24, 2011

Ano ang LOVE ? ito yung bagay na WALA sa akin .. na nahanap ko kay JESUS CHRIST :))


Last May 24, 2005 , nagkaroon ng isang camp sa ina-attendan kong church .. hmm .. "Unlimited RE" ang theme (unlimited revival yung meaning). Excited ako , natural kasi first time kong sumama sa ganun . wala sana akong balak sumama kasi para sa mga teens daw yun (12 years old pa lang ako nun ee) pero syempre sumama na ko kasi sinabi din ng mga elders ee :))


 Una kong beses mafeel ang presence ni God .. Iba yung feeling .. ang sarap ng feeling kasi after the deliverance , my mind , my heart and my soul ay nabago , as in para kong nakakawala sa posas at yung mga kamalian na ginagawa ng isang bata ee naramdaman ko ang pagbabago .. (Sabihin nating , yung itim na puso ay nalinis at pumulang muli) .. Hindi lang saya kundi kaligayahan .. Hindi lang panandalian kundi permanente na sa aking buhay .. Hindi lang biro kundi katotohanan ..


"For God so loved the world that He gave His only begotten Son , that whoever believes in Him shall not perish but have everlasting life" -->John 3:16


I received Jesus Christ as my personal Savior .. Healer when I am weak .. Lifter when I am down .. Comforter when I am sad .. He's my life .. At nalaman ko kung ano ang purpose ko dito sa mundo kung bakit nandito ako .. Not for my own happiness but to give glory to the Lord :)) at nalaman ko din ang  two greatest commandments that we should obey .. 
 "Thou shalt love the Lord thy God with thy whole heart, and with thy whole soul, and with thy whole mind, and with thy whole strength; Thou shalt love thy neighbor as thyself". Love , because God is Love :))

Ngayong araw na ito , 6 years na akong nakakakilala sa Lord :)) Masayang-masaya ako .. Kahit hindi natuloy ang totoong planong pag-alis namen ng isang kaibigan , ee higit dun yung natamo kong "joy" for this day .. Hindi ko man kasama ang nanay ko sa pananampalataya ee kasama ko naman ang mga kapatid ko sa pananampalataya .. Actually , walang espesyal sa ginawa naming pagkukwentuhan sa Amang Hall playground sa school at ang pagkain sa Jabi (wula na kasing bago dun) ang espesyal dun ee ang "realization sa lahat , naming pat" Walang kasawaang pag-uusap tungkol sa grace of God , How great He is , at sa mga kaibigang mahal na mahal namen kahit galit sa amin .. Yun yung love na nanggagaling sa Lord .. We love them by the Love of the Lord =] hahaha .. nakakatuwa talaga kasi napakaraming binago sa akin ni Lord .. Hindi ang tao ang nagpapabago sa kapwa tao kundi ang Diyos lang :) maniwala ka ! He changed me :))

Happy six years :)) haha .. haha .. haha .. GOD BLESS US ALL !!! I love you by the love of God :)))


Martes, Mayo 10, 2011

sya ! hindi ako =)

ibang-iba talaga ang pananaw ko sa taong ito
hindi ko inakala na mayroon palang ganito
sa wari ko ba'y wala sa mukha nya ang pagiging seryoso
na puro biro at kalokohan sa utak nya'y tumatakbo .. (^^,)


noong unang masiulayan at makausap sya ng biglaan 
bahagyang natakot ang bata na walang kamalay-malay
ngunit sadya syang makulit at totoong tunay
kaya't ngiti sa aking labi'y di pa rin matanggal .. (^^,)


lumipas ang madaming oras at mga mumunting araw
unti-unti kong nakikilala ang taong may ibang pananaw
hindi ko inakala na mapapalapit ako ng sobra
'pagkat pag kausap sy'y pakiramdam ko'y iba .. (^^,)


turing nya sa sarili nya'y matured enough
pero di ko alam kung totoo to say that he is so
hindi sya perpekto pero sa ugali nya'y thumbs-up ako
dahil sa sobrang gentle ng taong ito (^^,)


masungit, suplado, topakin at pasaway tong todo
nalalaman nya daw ang bagay-bagay pero matigas pa din ang ulo
pero idol ko ang taong ito, sya si ..
MiCHAEL ANGELO C. AQUiNO (^^,)

Huwebes, Mayo 5, 2011

It really makes a difference :)

 Hindi pala madali ang panibagong simula .. Mahirap ! Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust .. Sabi nila "ngayon ang simula ng pagbabago" malamang sa malamang na ngayon nga at hindi naman pwede yung kahapong nagawa mo .. Ikaw ang lilikha ng ikababago ng yong mga gawa .. Ikaw ang magpapasya kung paano mo mababago ang nakasanayan na .. Nasa sa'yo kung bakit , at paano ka magbabago .. (depende na rin sa kung anong klaseng pagbabago ang gagawin mo)

 Ibang-iba talaga ang dati sa ngayon .. Isang taon at limang buwan ang nakalipas , hindi ko inakalang apektado pa din sya .. (kalungkot aman!) .. halata sa mga boses nya na may "something" (hindi ko mawari kung galit, inis, o malaking tampo). Nag-iba na nga ang lahat sa kanya , hindi ko na ata sya kilala .. :( .. Pero ok lang , hindi ko kasalanan .. (walang kokontra ! ako lang ang kakampi ko ee ^^) .. Hindi ko dapat sisihin ang sarili ko .. tama ? tama ? absolutely right !

 Hindi ako nagbago, wula akong pinagbago at hinding hindi ako magbabago .. Hindi ko ito pangako , ito'y katotohanan lamang na ikaw ang nagbago at hindi ako ! :)

 Naghahanap lang siguro ako ng lambing .. hehehehe ! yun yung katotohanan dito ee .. ahahahah !