Sabado, Abril 16, 2011

wiping the tears away

NOTE: ito ay unang blog na ipopost ko .. malamang sa malamang ee madami pa gasgas ! ehehehe ..

Ngayon ko lamang nadama ang grabeng pagkamiss sa aking tatay , bagama't natural na lang sa amin na hindi sya nakikita. Ngunit isang pangyayari ang naganap kagabi na hindi ko inaasahan.

Habang may kausap ako sa cellphone, narinig ng aking kausap ang pagsigaw ng isang babae na hindi ko inakalang kapatid ko pala yun. At sa bilis ng kaba sa aking dibdib , hindi ko alam ang gagawin dahil ang kasagutan na nya ay aking mabait na tito at pinsan kong lasinggero. Nakialam ang nanay ko, kaya hiniling nya sa kanila na h'wag ng pansiin ang sinasabi ng magaling kong kapatid. Samakatuwid, bumaba ako sa hagdan at wari bang nagtatanong sa kanila na hindi naman nila ako pinapakinggan kung ano ang nangyayare. Nagpatuloy ang eksena, kung anu-ano na ang sinasabi ng kapatid ko sa aming tiyuhin at pinsan ko (grabe ! napabilib talaga ako sa katapangan nya). Ay ! hindi na ako nagtaka kung bakit nagkaroon ng ganung taping sa amin , at iyon ay dulot lahat ng alak na ininom nila (wala naman talagang magandang idudulot ang pag-iinom .. pupusta ako sa kung  sino ang makakapasabi kung anong magandang dulot nito ?)

Napansin kong tumataas na ang boses ng nanay at kapatid ko , nakialanm na ako .. Kahit sobra ang kaba ko noong mga oras na  yun , nagsalita na ako sa kanilang dalawa . Ayaw ko ng may gulo na katulad nito .. "Pwede bang ipagpabukas na lang natin ito? Wag kayong sumigaw dahil madami ng tulog. Hindi makakabuti sa inyo kung parehas nyong papatulan ang isa't isa. Wala ding mangyayari kung ilabas mo ang hinanakit mo sa kanila." at wala talagang naririnig ang aking kapatid .. At napaisip ako dun, parehas silang tumahimik at Nakita ko sa aking kapatid na para syang isang bata na iniwan ni papa ng hindi man lang nagpapaalam . Nasa sulok sa may hagdan at tinatawagan ang aming tatay na sinasambit ay "papa, umuwi ka na" at paulit-ulit nya sinasabi na parang bata na gusto ko bigyan ng lollipop para tumigil na  at napaiyak ako dun ! mahirap pala talaga na wala si papa sa bahay .. Sobrang hirap ! si mama lang ang nagdidisiplina sa aming magkakapatid na sobra sa tigas ng ulo.

Umabot ng dalawang oras ang paglalabas ni osang ng kanyang hinanakit sa tito at pinsan ko . Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at kung ano yun ?! at hindi ko na aalamin pa .. Kinausap ko si mama pagkataos makatulog ni osang, humingi ako ng kapatawaran para sa aming lahat ! Mapa kay ate, kay liza , kay osang at sakin.Hiningi ko ulit sa kanya ang pagtitiwala nya sa aming lahat (hindi lang sa amin ni bunso) para sa ikabubuti at ikakaayos ng sistema sa bahay. At doon ako napanatag sa "oo" na sagot nya. At nasabi ko sa sarili ko na "mahal ko ang nanay at tatay" ^^

Nagbasa ako ng Bible na ang mensahe nito ay tungko sa "hardship" at nakakatuwa dahil nun nagdevotion naman ako ee connect dun sa nanyare ang message nito .. pinamagatan ko itong "wiping the tears way" .. eheheheh .. Magdamag walang tulog ... Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumakain simula kagabi ...

Salamat sa mga classmates ko na nakaramdam at sinamahan ako maghapon hanggang gabi .. Christine, Donica, Cathy .. Nagulat ako dun ! hahahah ..

and i do realize that we don't need to worry about the things around us .. We should just ask God for wisdom and strength to face those trials ^^ and He is always there ! eheheeh ..

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa .. bye for now ^^

1 komento: