Martes, Mayo 24, 2011

Ano ang LOVE ? ito yung bagay na WALA sa akin .. na nahanap ko kay JESUS CHRIST :))


Last May 24, 2005 , nagkaroon ng isang camp sa ina-attendan kong church .. hmm .. "Unlimited RE" ang theme (unlimited revival yung meaning). Excited ako , natural kasi first time kong sumama sa ganun . wala sana akong balak sumama kasi para sa mga teens daw yun (12 years old pa lang ako nun ee) pero syempre sumama na ko kasi sinabi din ng mga elders ee :))


 Una kong beses mafeel ang presence ni God .. Iba yung feeling .. ang sarap ng feeling kasi after the deliverance , my mind , my heart and my soul ay nabago , as in para kong nakakawala sa posas at yung mga kamalian na ginagawa ng isang bata ee naramdaman ko ang pagbabago .. (Sabihin nating , yung itim na puso ay nalinis at pumulang muli) .. Hindi lang saya kundi kaligayahan .. Hindi lang panandalian kundi permanente na sa aking buhay .. Hindi lang biro kundi katotohanan ..


"For God so loved the world that He gave His only begotten Son , that whoever believes in Him shall not perish but have everlasting life" -->John 3:16


I received Jesus Christ as my personal Savior .. Healer when I am weak .. Lifter when I am down .. Comforter when I am sad .. He's my life .. At nalaman ko kung ano ang purpose ko dito sa mundo kung bakit nandito ako .. Not for my own happiness but to give glory to the Lord :)) at nalaman ko din ang  two greatest commandments that we should obey .. 
 "Thou shalt love the Lord thy God with thy whole heart, and with thy whole soul, and with thy whole mind, and with thy whole strength; Thou shalt love thy neighbor as thyself". Love , because God is Love :))

Ngayong araw na ito , 6 years na akong nakakakilala sa Lord :)) Masayang-masaya ako .. Kahit hindi natuloy ang totoong planong pag-alis namen ng isang kaibigan , ee higit dun yung natamo kong "joy" for this day .. Hindi ko man kasama ang nanay ko sa pananampalataya ee kasama ko naman ang mga kapatid ko sa pananampalataya .. Actually , walang espesyal sa ginawa naming pagkukwentuhan sa Amang Hall playground sa school at ang pagkain sa Jabi (wula na kasing bago dun) ang espesyal dun ee ang "realization sa lahat , naming pat" Walang kasawaang pag-uusap tungkol sa grace of God , How great He is , at sa mga kaibigang mahal na mahal namen kahit galit sa amin .. Yun yung love na nanggagaling sa Lord .. We love them by the Love of the Lord =] hahaha .. nakakatuwa talaga kasi napakaraming binago sa akin ni Lord .. Hindi ang tao ang nagpapabago sa kapwa tao kundi ang Diyos lang :) maniwala ka ! He changed me :))

Happy six years :)) haha .. haha .. haha .. GOD BLESS US ALL !!! I love you by the love of God :)))


Martes, Mayo 10, 2011

sya ! hindi ako =)

ibang-iba talaga ang pananaw ko sa taong ito
hindi ko inakala na mayroon palang ganito
sa wari ko ba'y wala sa mukha nya ang pagiging seryoso
na puro biro at kalokohan sa utak nya'y tumatakbo .. (^^,)


noong unang masiulayan at makausap sya ng biglaan 
bahagyang natakot ang bata na walang kamalay-malay
ngunit sadya syang makulit at totoong tunay
kaya't ngiti sa aking labi'y di pa rin matanggal .. (^^,)


lumipas ang madaming oras at mga mumunting araw
unti-unti kong nakikilala ang taong may ibang pananaw
hindi ko inakala na mapapalapit ako ng sobra
'pagkat pag kausap sy'y pakiramdam ko'y iba .. (^^,)


turing nya sa sarili nya'y matured enough
pero di ko alam kung totoo to say that he is so
hindi sya perpekto pero sa ugali nya'y thumbs-up ako
dahil sa sobrang gentle ng taong ito (^^,)


masungit, suplado, topakin at pasaway tong todo
nalalaman nya daw ang bagay-bagay pero matigas pa din ang ulo
pero idol ko ang taong ito, sya si ..
MiCHAEL ANGELO C. AQUiNO (^^,)

Huwebes, Mayo 5, 2011

It really makes a difference :)

 Hindi pala madali ang panibagong simula .. Mahirap ! Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust .. Sabi nila "ngayon ang simula ng pagbabago" malamang sa malamang na ngayon nga at hindi naman pwede yung kahapong nagawa mo .. Ikaw ang lilikha ng ikababago ng yong mga gawa .. Ikaw ang magpapasya kung paano mo mababago ang nakasanayan na .. Nasa sa'yo kung bakit , at paano ka magbabago .. (depende na rin sa kung anong klaseng pagbabago ang gagawin mo)

 Ibang-iba talaga ang dati sa ngayon .. Isang taon at limang buwan ang nakalipas , hindi ko inakalang apektado pa din sya .. (kalungkot aman!) .. halata sa mga boses nya na may "something" (hindi ko mawari kung galit, inis, o malaking tampo). Nag-iba na nga ang lahat sa kanya , hindi ko na ata sya kilala .. :( .. Pero ok lang , hindi ko kasalanan .. (walang kokontra ! ako lang ang kakampi ko ee ^^) .. Hindi ko dapat sisihin ang sarili ko .. tama ? tama ? absolutely right !

 Hindi ako nagbago, wula akong pinagbago at hinding hindi ako magbabago .. Hindi ko ito pangako , ito'y katotohanan lamang na ikaw ang nagbago at hindi ako ! :)

 Naghahanap lang siguro ako ng lambing .. hehehehe ! yun yung katotohanan dito ee .. ahahahah !

Sabado, Abril 16, 2011

wiping the tears away

NOTE: ito ay unang blog na ipopost ko .. malamang sa malamang ee madami pa gasgas ! ehehehe ..

Ngayon ko lamang nadama ang grabeng pagkamiss sa aking tatay , bagama't natural na lang sa amin na hindi sya nakikita. Ngunit isang pangyayari ang naganap kagabi na hindi ko inaasahan.

Habang may kausap ako sa cellphone, narinig ng aking kausap ang pagsigaw ng isang babae na hindi ko inakalang kapatid ko pala yun. At sa bilis ng kaba sa aking dibdib , hindi ko alam ang gagawin dahil ang kasagutan na nya ay aking mabait na tito at pinsan kong lasinggero. Nakialam ang nanay ko, kaya hiniling nya sa kanila na h'wag ng pansiin ang sinasabi ng magaling kong kapatid. Samakatuwid, bumaba ako sa hagdan at wari bang nagtatanong sa kanila na hindi naman nila ako pinapakinggan kung ano ang nangyayare. Nagpatuloy ang eksena, kung anu-ano na ang sinasabi ng kapatid ko sa aming tiyuhin at pinsan ko (grabe ! napabilib talaga ako sa katapangan nya). Ay ! hindi na ako nagtaka kung bakit nagkaroon ng ganung taping sa amin , at iyon ay dulot lahat ng alak na ininom nila (wala naman talagang magandang idudulot ang pag-iinom .. pupusta ako sa kung  sino ang makakapasabi kung anong magandang dulot nito ?)

Napansin kong tumataas na ang boses ng nanay at kapatid ko , nakialanm na ako .. Kahit sobra ang kaba ko noong mga oras na  yun , nagsalita na ako sa kanilang dalawa . Ayaw ko ng may gulo na katulad nito .. "Pwede bang ipagpabukas na lang natin ito? Wag kayong sumigaw dahil madami ng tulog. Hindi makakabuti sa inyo kung parehas nyong papatulan ang isa't isa. Wala ding mangyayari kung ilabas mo ang hinanakit mo sa kanila." at wala talagang naririnig ang aking kapatid .. At napaisip ako dun, parehas silang tumahimik at Nakita ko sa aking kapatid na para syang isang bata na iniwan ni papa ng hindi man lang nagpapaalam . Nasa sulok sa may hagdan at tinatawagan ang aming tatay na sinasambit ay "papa, umuwi ka na" at paulit-ulit nya sinasabi na parang bata na gusto ko bigyan ng lollipop para tumigil na  at napaiyak ako dun ! mahirap pala talaga na wala si papa sa bahay .. Sobrang hirap ! si mama lang ang nagdidisiplina sa aming magkakapatid na sobra sa tigas ng ulo.

Umabot ng dalawang oras ang paglalabas ni osang ng kanyang hinanakit sa tito at pinsan ko . Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at kung ano yun ?! at hindi ko na aalamin pa .. Kinausap ko si mama pagkataos makatulog ni osang, humingi ako ng kapatawaran para sa aming lahat ! Mapa kay ate, kay liza , kay osang at sakin.Hiningi ko ulit sa kanya ang pagtitiwala nya sa aming lahat (hindi lang sa amin ni bunso) para sa ikabubuti at ikakaayos ng sistema sa bahay. At doon ako napanatag sa "oo" na sagot nya. At nasabi ko sa sarili ko na "mahal ko ang nanay at tatay" ^^

Nagbasa ako ng Bible na ang mensahe nito ay tungko sa "hardship" at nakakatuwa dahil nun nagdevotion naman ako ee connect dun sa nanyare ang message nito .. pinamagatan ko itong "wiping the tears way" .. eheheheh .. Magdamag walang tulog ... Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumakain simula kagabi ...

Salamat sa mga classmates ko na nakaramdam at sinamahan ako maghapon hanggang gabi .. Christine, Donica, Cathy .. Nagulat ako dun ! hahahah ..

and i do realize that we don't need to worry about the things around us .. We should just ask God for wisdom and strength to face those trials ^^ and He is always there ! eheheeh ..

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa .. bye for now ^^

Face the Music ^^

 ^^ Hindi ko inisip o pinlano ang mga bagay bagay na nanyayare sa buhay ko . Ito ay pinagpapasalamat ko pa sa kabila ng lahat . maganda man o masama ! maging masaya o malungkot ! At ito naman talaga ang dapat . Hindi tayo dapat mamili sa kung ano ang gusto nating mangyare natin sa buhay kahit isang araw man lang . Ang lahat ay dumadating at nagaganap pagkat ito ang ating "destiny" . (ngunit marami akong nakilala at mga kaibigan na hindi naniniwala sa destiny) . At naniniwala rin ako na ang lahat ay nagaganap ayon sa kalooban ng Lord ^^ ..

^^Bilang isang kabataan, isang mag-aaral, isang tamad na anak, isang pasaway na bata, isang nagpahalaga nagpapahalaga at magpapahalaga sa damdamin ng iba, isang nagmahal at minahal, isang pa-easy easy sa buhay at isang taong maraming kamaliang ginawa sa buhay .. Lahat ng kinahinatnan at kahihinatnan ng mga desisyon ko sa buhay ay nakatadhana na talaga .. Oooops .. wag ka ng kumontra ^^ 

^^When I was in third year , I knew from the start what i've been doing. that i may hurt the feelings of my friend  and still , i've done wrong. hahaha ! Pero i have no regrets about that ..  hmmm .. "nagparaya ako" in a sense that it is the only way to save our friendship that i'm afraid to lose .. And i gave up ! haha .. I broke up with the guy i've used to love ?! (ndii ako cgurado ee o baka infatuation lan ata).. , 2 nights before his birthday .. ^^ .. (and that's the first relationship i had) Nakabuti pa nga ito .. hahaha .. di nagtagal , naging sila ng kaibigan ko pero walang halong kaplastikan na masaya talaga ako para sa kanilang dalawa .. Isa yan sa mga tine-treasure kong memories .. Dyan ako unang natuto sa mga bagay-bagay na nagiging desisyon basta basta ng bawat tao na hindi nila alam kung makakabuti o makakasama ito sa karamihan , at kung may mga maling desisyon pa akong nagawa , I must say .. "face the music" !

^^Hindi ko alam kung bakit o paano basta nadama ko na lan ito . Hindi ko masabing "matured" ako dahil di naman sa tingin ko .. Ang malinaw lang sa akin ay handa kong harapin ang mga kahihinatnan pagdating sa iba't-ibang aspeto sa buhay ko .. 

Marami pa yan pero yan muna ang ikukwento ko dahil yan ang unang pumasok sa isipan ko ! nyahahahaha ^^ .. anyways, *no regrets yet i'm thankful* ihihihihi ^^

Bye for now ! God bless :)

(03-10-2011)

Martes, Abril 12, 2011

BUSY :)

 In my seventeen years of existence here on Earth, i'd never thought that I would be like this as much .. Yeah! I’m too much disappointed in some aspect that happened yesterday and even today. I knew at first that I have no right to be like this but honestly speaking .. awtz ! I've tried to hide it (the feelings I've never think to be so) , to cover this, and to pretend that it is still okay. 


  To define what is disappointment .. it is the state of being disappointed (failure of one's hope or expectations) .. For not knowing their point of views. Even if they intended to do it or not. [Pero tanggap ko nga na "Mali ako"]


 I've got to wake up early this morning because of some reason [i have my piano lesson and I have to greet my friend in accordance with his birthday]. And to make my story short .. Someone ....... does really disappoints me until right now to the extent that I don't know the reason why. Funny, isn't it?  ^^


 Nonetheless, I have to be happy coz I know it is not good to think and to feel as well.  


 I am better now .. :) I can say that I am still lucky and blessed to have them. ^^